Friday, September 16, 2005

Butterfly Kisses...


Araw-araw ang inaabangan ko palagi ay ang uwian, hindi sa may gimik ako sa gabi pero iba kapag dumating na ang 4:30pm (uwian ng government employees), nagmamadali na kami ni winnie (my wife) umuwi sa bahay sa Pampanga, araw-araw kaming umuuwi sa Pampanga. Ok lang naman kse mabilis na ang byahe sa north at nasanay na rin akong magbyahe ng ganun. Isa’t kalahating oras nasa bahay na kami, mas mabilis pa kaming nakakarating sa mga umuuwi sa Cubao dahil sa sobrang traffic sa loob ng Maynila. Yun nga lang talo sa pamasahe lalo na kung nagdadala ako ng sasakyan, ang taas na ng gasolina triple pa ang taas ng toll fee (salamat NLEX sa regalong bigay ninyo sa mga kawawang Pilipino!).



Ang mahalaga sa amin kaya kami umuuwi ng bahay kahit araw-araw ay dahil lang sa anak namin na si MACY. Tama pala ang sinasabi ng ibang magulang na kahit pagod ka sa trabaho at sa byahe, nawawala lahat kapag sinalubong, niyakap at hinalikan ka na ng iyong anak. 3 years old na ngayon si Macy, at habang mabilis syang lumalaki, marami na rin syang natutunan at minsan nga nagugulat kami na kahit yung mga bagay na di naman namin itinuturo sa kanya ay alam nya, madali syang turuan sa pagsusulat, pagd-drawing, pagsayaw at lalo na sa pagkanta (kanino pa kaya magmamana? ), maririnig mo na lang na sinasabayan nya mga kanta sa radio at sa tv, ang paborito nya ngayong kantahin ay “Get Me” na kanta ng MYMP, marunong na din syang mag-videoke at paborito lagi nyang kantahin ay Tomorrow (from the movie Annie), ang nagturo sa kanya ng kantang yun ay si Mommy Tita nya (ate Lee- my sis), kinakanta pa rin nya ang mga dati nyang alam na kanta tulad ng Twinkle, Twinkle, ABC, Happy Birthday (Madagascar version) at lahat ng kanta sa Barney and friends, Blues Clues at Dora the Explorer, pati nga yung mga di namin alam na mga bagong kanta ay naririnig na lang namin na kinakanta nya. Natutuwa na lang kami pag nagkwento na sya ng mga ginawa nya sa buong araw, kahit bulol ay pinipilit nyang i-kwento sa min. kung maririnig mo syang magsalita ay baka maloko ka sa pag-intindi ng mga sinasabi nya pero kami alam namin lahat ng gusto nyang sabihin, tama nga ang sinasabi ng iba na ang magulang lang ang mas nakakaintindi sa kanilang anak. Sa gabi bago sya matulog di nya nakakalimutan na mag-pray ng Angel of God kasabay ng mommy nya (kahit bulol sa pagsasalita natatapos nya to), at sya pa nagre-remind sa mommy nya na mag-pray na sila. Pagkatapos nya mag-pray mag-goodnight kiss na sya sa min....

Iniisip ko na lang minsan sana wag muna lumaki si Macy para kasama lagi namin sya, dadating kse ang oras na paglaki nya siguradong papasok na sya sa school, magkakaron maraming kaibigan, magkaka-boyfriend, mag-t-trabaho at mag-aasawa at iiwan nya na kami para sya naman ang magkakaron ng sariling pamilya....ganyan siguro talaga ang buhay.. Tuwing iniisip ko si Macy, laging naiisip ko rin ang kantang Butterfly Kisses....

I was driving from Manila to Batangas when I first heard the song Butterfly Kisses as a father of a beautiful daughter the tears rolled down my cheers in a way that no other song has. Every time I hear Butterfly Kisses my heart beats a little faster and it reminds of how lucky I am to have a beautiful little girl like Macy. I also take every little kiss that she gives me and keep it my heart.

Butterfly Kisses is a song about a father's love for his daughter. As it goes through the stages of his daughter's life, it shows that even when she is a teenager and the line goes, "I still love you daddy but I'm only gonna kiss you on the cheek this time" how she still has an unconditional love for him. The piano is beautiful and I simply love the sounds of hirls and boys laughing on the playground in the beginning. All the words are beautiful in Butterfly Kisses.


BUTTERFLY KISSES
by Bob Carlisle

 
There's two things I know for sure.
She was sent here from heaven, 
and she's daddy's little girl.
As I drop to my knees by her bed at night,
she talks to Jesus, and I close my eyes.
And I thank God for all of the joy in my life,
oh but most of all, for...
 
Butterfly kisses after bedtime prayer.
Stickin' little white flowers all up in her hair.
"Walk beside the pony daddy, it's my first ride."
"I know the cake looks funny, daddy, but I sure tried."
Oh, with all that I've done wrong,
I must have done something right
To deserve a hug every morning,  
And butterfly kisses at night.
 
Sweet sixteen today,
She's looking like her momma a little more everyday.
One part woman, the other part girl.
To perfume and makeup, from ribbons and curls.
Trying her wings out in a great big world. 
But I remember...
Butterfly kisses after bedtime prayer.
Stickin' little white flowers all up in her hair.
"You know how much I love you daddy, 
But if you don't mind,
I'm only going to kiss you on the cheek this time."
With all that I've done wrong
I must have done something right.
To deserve her love every morning,
And butterfly kisses at night.
All the precious time.
Like the wind, the years go by
Precious butterfly.
Spread your wings and fly
She'll change her name today.
She'll make a promise, and I'll give her away.
Standing in the bride room just staring at her,
She asked me what I'm thinking, and I said "I'm not sure,
I just feel like I'm losing my baby girl."
Then she leaned over....an gave me....
Butterfly kisses, with her mama there
Sticking little flowers all up in her hair
"Walk me down the aisle, daddy, it's just about time"
"Does my wedding gown look pretty, daddy?"
"Daddy, don't cry."
With all that I've done wrong,
I must have done  something right
To deserve her love every morning,  
And butterfly kisses
I couldn't ask God for more, man, this is what love is
I know I've gotta let her go, but I'll always remember
Every hug in the morning, and butterfly kisses at night...

Lord, thank you for giving us a lovely daughter.....
we love you Macy.


The Clowns - Me and Macy


Wednesday, September 14, 2005

Isip Ipis

Habang nag-iisip ako ng pwede kong maging topic dito sa blog, isang makulit at happy go lucky na ipis ang aali-aligid dito sa malapit sa pwesto ko, sa lahat naman ng ayaw ko ang gugulatin ako kaya nung bigla dumapo ang killjoy na ipis sa monitor ng kompyuter ko, tumalsik lahat ng mga bagay na nakalagay sa ibabaw ng pc ko kaya nawala na lahat ng mga idea kong iniisip at bilang ganti sa mapagsamantalang ipis sa ginawa nya sa kin, sya na lang gawin kong topic dito.

Sino ba naman matutuwa sa ginagawa ng mga ipis na yan, kung minsan kung kelan nasa kasarapan ka ng pagtulog bigla na lang dadapo sa yo. Naalala ko tuloy nung nakatira pa ako sa Sta. Mesa, pagdating ko sa bahay, nadatnan kong nagpa-pot session ang mga ipis sa ibabaw ng kama ko, o baka recollection nila nun dahil nagtipon-tipon sila, dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong gamit at kinuha ko ang nakasabit kong walis tambo sa may likod ng pinto at sinorpresa ko ng atake ang mga nagkakatuwaang mga hinayupak na mga ipis. Habang inaalala ko yung ginawa ko, biglang naalala ko rin ang napanuod kong pelikula (pirated dvd) sa bahay na ang pamagat ay “The Great Raid” na pinagbidahan nina Benjamin Bratt at may malaking partisipasyon ni Cesar Montano (ok si Cesar dito aka Capt. Juan Pajota), sinorpresa nila ng atake ang kampo ng mga hapon sa Cabanatuan para iligtas ang mga kanong nakakulong (POW) dun. Maganda yung movie kaso nakatulog ako sa una, medyo boring yun unang part pero gumanda nung simulan na ang pagplanong paglusob sa kampo ng mga sakang. Mabalik tayo sa mga sakang na ipis, at dahil surpresa din ang paglusob ko sa kanila, di nila inaasahan na yun na pala ang huling group activities nila sa ibabaw ng kama ko, naging instant kriminal ako ng mga ipis, madami din naman akong natepok pero madami din ang nakatakas, inisip ko na lang na may araw din sila. Yun nga lang di ko inisip na makapag-secret miting pa pala ang mga rebeldeng ipis ng di ko alam, at isinagawa nila ang paghihiganti nila nung gabing kasalukuyang ako’y natutulog, di ko alam kung papano ang ginawa nilang counter strike sa kin dahil mahimbing ang tulog at nung magising ako naramdaman ko na lang na masakit ang kaliwang mata ko. Nung tingnan ko sa salamin ang nangyari sa mata ko, nagulat ako dahil namamaga na ito. Naisip ko na lang na parang may mga isip din pala ang mga lokong ipis na yun, at malamang nag undergo sila ng training sa Al Qaedda, maganda ang ginawang plano ng mga ipis. Kinagat ng mga hinayupaks na mga ipis ang talukap ng mata ko, kaya buong araw akong nakakulong sa loob ng kwarto at di na ko nakapasok sa school. Akala ko tapos na ang ginawang paghihiganti ng mga ipis, hindi pa pala dahil kinagabihan ay umatake na naman sila at kinagat naman ang kanan kong mata kaya kinabukasan paggising ko ulit, kanang mata ko naman ang namamaga at siyempre di pa rin ako nakapasok sa school.

Di ko makakalimutan ang naging karanasan ko sa ipis at lalo kong pinangarap na balang araw ay makapamuhay naman sana ako ng mapayapa at makatulog na walang iniisip na lilipad-lipad na mga mala tora-torang ipis na war-freak na gustong maglanding anumang oras na naisin nila.

Napulot kong aral: Wag mong gagambalain ang mga ipis na nagpa-pot-session.. E loko pala sila.


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma