A Cool Trip
Here's my first installment of my book, The Misadventure of Jeff Potteter
First Book - Jeff Potteter and the Spirit of the Plates
Chapter I
Trip to Baguio
May 10, 2007
Supreme Court|3:45PM- "Hello?" Hello Jeff, meron gagamit ng cottage ni justice sa weekend, pasensya na ha...." ako naman.."Sige po ok lang...." click!...
HUWAATTTT!!!!! wala kami matutuluyan na cottage?! Patay ako sa choir! Patay kami! HUWAAAAAA!!! Dali-dali akong nagpunta kay Dong (kasama ko sa SC Choir) at baka matutulungan nya ko maghanap ng cottage na pwedeng mahiraman sa SC Compound. Lahat ng tawagan namin puro may nakareserve daw na mga hihiram sa mga cottage. Kasalukuyan naman na nasa Victory Liner na si Claudel para magpa reserve na ng ticket namin sa bus kaya tinawagan ko agad para sabhin na i-hold muna nya ang pagbili ng tiket at baka pagpunta namin sa Baguio e sa Burnham Park kami matulog hehehe. Buti na lang naisip ni Dong na tawagan ang isang justice na bagong retired lang (si Justice Callejo) at buti na lang at mabait kausap kaya yun sa madaling salita nahiram namin ang cottage nya sa baguio sa SC Compound. (hay salamat po Dyos Lord!, Hindi nyo kami pinabayaan) Kaya text ko na rin agad si Claudel na ok na at pwede na sya bili ng tiket, sabi sa kin di pa daw ako nagt-txt sa kanya nakabili na daw sya, AYSUS! kung nagkataon talaga sa Burnham Park kami matutulog!
May 11, 2007 Friday Afternoon
2PM
Miyawww, Miyawww!! (message tone ng cellphone ko) :)
ATE EMMA: 2toy d2 pa kmi tlsay, ang lakas ng ulan.
JEFF: k lng, ingat kyo te ems...
4PM
JEFF: te ems san na kyo?
ATE EMMA: lapit na kmi, nsa alabang na kmi! (ang lapit nga?!) hehehe
OH MY GOD! Sana makarating sila bago mag5pm at maiiwan kami ng bus :) hehehe
4:15PM pa lang kami nakaalis ni Dong ng SC at medyo natagalan yta sa pagt-toothbrush si Dong hehehe. Niyaya ko na si Dong tutal naman ay sya tumulong sa akin na makahanap ng cottage na matutuluyan at para may makasama naman ako dun kse walang nagsisama sa choir na lalake at may mga trabaho, di maiwan ang pamilya, mag e enrol at walang pera.. ay sus di nila alam tumama ako sa lotto ng grand prize at sasagutin ko na lahat ng gastos nila hehehe kung gusto pa nila eroplano ang sasakyan namin pauwi kaso.... nagising nga lang ako :)
10 minutes bago mag 5PM
dumating kami ni Dong sa terminal ng Victory Liner at himala umabot ang choir sa takdang oras hehehe.. sakay agad kami sa bus yun nga lang lokong mga yun ako ang walang katabi, nagpartner-partner na pala bago kami dumating. Ayun si Dong ang nakatabi ay yung kasama namin na seminarista na si Jerwin at ako di ko kilala yung katabi kong lalake..
Dahil sa pagmamadali namin makaabot sa bus na sasakyan namin, pawisan kami ni Dong bago dumating sa terminal at pasok agad sa bus kaya ayun sinipon ako..
byaheng matagal....... bayahe ulit............................................................................... ang tagal?!
IVY: kuya Jeff san na po tayo?
AKO: Ewan?! hehehe (Lakas ng ulan sa labas e) Nasa Pampanga pa lang tayo yata...
Byahe ulit............
12:14AM Baguio City
(Background voice ng kundoktor) "Paki-check po ng mga gamit nyo, Dito na po tayo sa Baguio.."
YESSS!!! Dito na kami, (excited na kinuha ang bonnet ko at isinuot na agad siempre lamig sa labas e hehehe)
Yung mga bagong salta sa Baguio halik daw sa lupa.. Malapit lang ang SC Compd sa terminal ng Victory liner kaya konting lakad lang ginawa namin. Pagdating namin sa cottage pili na agad kami kwarto na pwede tulugan, nakuha ng mga batang choir ay yung kwarto ng justice dahil malaki yun, tabi-tabi na lang daw sila at natatakot maghiwa-hiwalay dahil siguro sa sinabi ko na wag nilang papansinin kung may maramdaman silang kakaiba sa loob ng cottage hehehe pero sa totoo lang meron talaga :) pasalamat nga ang choir at dun kami sa cottage ni Justice Callejo at hindi dun sa isang cottage na ang tawag namin ay Amittyville House sa labas pa lang ay nakakatakot na at ayon sa bali-balita sa SC meron daw talagang nagpaparamdam dun at minsan may nagpapakita na kung anu-ano... sayang sana dun na lang kami para mas memorable ang short stay namin sa baguio..hehehe Sa kabilang room naman ay ayon sa mga batang choir ay room ng mga Senior Citizen hehehe (di ako nagsabi nun ha) at kaming tatlong lalake ay sa kabilang room.. madami pang room sa may basement pero walang naglakas ng loob na matulog dun kse daw nakakatakot.
Unang tulog namin di naiwasan ang magtakutan kaya hanggang sa pagtulog nadala pa din ang takot kaya siguro di agad nakatulog ang mga choir sa kabilang room... pero nung mga bandang 2AM at malaon na kong tulog, nakarinig daw ang iba ng naglalakad sa loob ng cottage at binubuksan ang doorknob ng pinto ng kwarto nila. Akala pa daw nila ay ako ang nananakot sa kanila pero di talaga ako yun... nginniigg!!!
Chapter 2
May 12 Strolling Time
TXT TO ATE EMS.. SALI.. CLAUDEL: gcing na kayo? 5:32AM na! :)
toninoninong! toninoninong! toninoninong! (tunog ng alarm ng celfone ko)
Pupungas-pungas pa at puyat sa kaunting naitulog ko dahil sa madaling araw na ng dumating kami ng Baguio at di agad nakatulog pero pinilit ko pa rin gumising para samahan sina Ate Emma, Sali at Claudel para mamalengke para sa almusal at iluluto sa hapunan (kakain kami sa labas sa tangahali). Ang lamig sa labas ng cottage... kelan kaya magiging ganito ang klima sa ibang parte ng Pilipinas lalo na sa Manila? :) Pagdating namin sa palengke madami na rin ang namimili pero nakapamili pa rin kami ng mga kelangan namin.
Almusal ... Hawot, hotdog (courtesy of Alma), scrambled egg w/ kamatis, sibuyas at bawang..(ako nagluto ha), fried rice, kape at MILO (Masarap Inumin Lasang Ovaltine).
Kwentuhan sa mga nangyari sa nagdaang gabi. Mga naramdamang kaluskos at pagbubukas ng ilaw at doorknob. Ako pa ang pinagbintangan ng choir na nagbubukas daw ng doorknob at ilaw ng mga bandang alas dos ng madaling araw.... HELLO! malaon na akong tulog nun at masama ang pakiramdam ko. Pero talagang meron nagpaparamdam dun dahil siguro sa wala ngang nakatira at pag summer session lang ng SC nagkakaron ng tao kaya pinamamahayan ng kung anu-anong elemento.
Saan kaya makapunta? ...
Pagkatapos mag almusal at makapaligo, buti na lang at may natira pa sa king mainit na tubig. Napag usapan na kung saan magandang pumunta, kausap namin ni Dong ang isang SC Guard at tinulungan kami kuha ng maarkilang sasakyan para di na kami mahirapan sa paglipat-lipat ng lugar, yun nga lang P300 per hour ang bayad, medyo mahal pero ok na rin kesa maging hussle ang paggagala. Una kaming nagpunta sa Mansion sa may Right Park, piktyuran kataku-takot! Dito din dumayo ng pamimili ng sunglass sina Alma, Claudel etc. Si Alma kse naputol ang mamahalin nyang salamin kaya pinalitan ng signature na sunglass hehehe Alma ano nga ulit ng tatak ng eyeglass mong bago? Dumiretso kami ng Mines View Park, siempre sinalubong kami ng traffic kaya pinagpawisan ang Ate Emma dahil natakbo ang metro ng inarkila naming dyip na per oras ang bayad hehehe. Piktyurang kabi-kabila, sus ang mga kuha panlagay sa Friendster! Sa Wright Park pa lang masama na talaga ang pakiramdam ko kaya di na ko magkapag gagalaw ng maayos kaya pulos ako na lang ang nagkukuha ng piktyur at video. Pagkatapos namin sa Mines View Park pumunta naman kami sa Good Sheperds Convent para bumili ng ube at piktyuran na naman. Bumalik na kami sa cottage mga lagpas na ng 1pm. Buti na lang umuwi kami at pagkakataon ko ng magpahinga at matulog. Natupad nga balak ko at di na ko sumama sa lunch ng choir sa SM pati si Dong nagpaiwan na rin at gusto daw nya matulog din. Ayun nung maiwan kami kung anu-ano ang narinig at naramdaman namin.. may naglalakad, mag nagbubukas ng ilaw at si Dong pangit pa naging karanasan nung oras na yun, tinatawag daw nya ako pero di ko daw naririnig, ang sabi nya gusto daw nya bumangon pero may pumipigil sa balikat nya na tumayo. Hala!! si kuya Dong binangungot!
Paggising ko ok na ulit ako, salamat sa gamot na bigay sa kin Dong at ni Alma, pwede na ulit gumala. Pagdating choir nagkayayaan na pumunta sa grotto kahit medyo umaambon na. Dumating kami sa grotto na maulan at malamig ang panahon. Pero kahit na naulan sige pa rin kami, sayang ang oras at pag tumigil kami sa cottage ay wala kami mararating. Bilib talaga ako kay Yeye, talagang kinaya na makarating sa taas ng grotto pero alam ko na makakaya nya dahil malakas ang loob nya at determinado syang marating ang grotto, ganyan talaga sya matapang at pursigido. Sana Yeye lagi kang ganyan... Pagkatapos sa grotto, nakapamili pa ng mga pasalubong. Balik din kami sa cottage pagkagaling sa grotto, tapos luto na ng hapunan namin. Ang sarap ng hapunan namin, parang ang sarap yata ng luto ni jeck na chopsuey. sa dinner namin na plano na magandang magkaron kami ng SPIRIT OF THE PLATE.
To be continued.. (parang c keen)
1 Comments:
hello nag apply din kame sa winterpeg. kaya i came across your blog. naghahanap kami ng mga info para sa pagdating. san ayou can email at zwecutie@gmail.com
Post a Comment
<< Home