Wednesday, September 14, 2005

Isip Ipis

Habang nag-iisip ako ng pwede kong maging topic dito sa blog, isang makulit at happy go lucky na ipis ang aali-aligid dito sa malapit sa pwesto ko, sa lahat naman ng ayaw ko ang gugulatin ako kaya nung bigla dumapo ang killjoy na ipis sa monitor ng kompyuter ko, tumalsik lahat ng mga bagay na nakalagay sa ibabaw ng pc ko kaya nawala na lahat ng mga idea kong iniisip at bilang ganti sa mapagsamantalang ipis sa ginawa nya sa kin, sya na lang gawin kong topic dito.

Sino ba naman matutuwa sa ginagawa ng mga ipis na yan, kung minsan kung kelan nasa kasarapan ka ng pagtulog bigla na lang dadapo sa yo. Naalala ko tuloy nung nakatira pa ako sa Sta. Mesa, pagdating ko sa bahay, nadatnan kong nagpa-pot session ang mga ipis sa ibabaw ng kama ko, o baka recollection nila nun dahil nagtipon-tipon sila, dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong gamit at kinuha ko ang nakasabit kong walis tambo sa may likod ng pinto at sinorpresa ko ng atake ang mga nagkakatuwaang mga hinayupak na mga ipis. Habang inaalala ko yung ginawa ko, biglang naalala ko rin ang napanuod kong pelikula (pirated dvd) sa bahay na ang pamagat ay “The Great Raid” na pinagbidahan nina Benjamin Bratt at may malaking partisipasyon ni Cesar Montano (ok si Cesar dito aka Capt. Juan Pajota), sinorpresa nila ng atake ang kampo ng mga hapon sa Cabanatuan para iligtas ang mga kanong nakakulong (POW) dun. Maganda yung movie kaso nakatulog ako sa una, medyo boring yun unang part pero gumanda nung simulan na ang pagplanong paglusob sa kampo ng mga sakang. Mabalik tayo sa mga sakang na ipis, at dahil surpresa din ang paglusob ko sa kanila, di nila inaasahan na yun na pala ang huling group activities nila sa ibabaw ng kama ko, naging instant kriminal ako ng mga ipis, madami din naman akong natepok pero madami din ang nakatakas, inisip ko na lang na may araw din sila. Yun nga lang di ko inisip na makapag-secret miting pa pala ang mga rebeldeng ipis ng di ko alam, at isinagawa nila ang paghihiganti nila nung gabing kasalukuyang ako’y natutulog, di ko alam kung papano ang ginawa nilang counter strike sa kin dahil mahimbing ang tulog at nung magising ako naramdaman ko na lang na masakit ang kaliwang mata ko. Nung tingnan ko sa salamin ang nangyari sa mata ko, nagulat ako dahil namamaga na ito. Naisip ko na lang na parang may mga isip din pala ang mga lokong ipis na yun, at malamang nag undergo sila ng training sa Al Qaedda, maganda ang ginawang plano ng mga ipis. Kinagat ng mga hinayupaks na mga ipis ang talukap ng mata ko, kaya buong araw akong nakakulong sa loob ng kwarto at di na ko nakapasok sa school. Akala ko tapos na ang ginawang paghihiganti ng mga ipis, hindi pa pala dahil kinagabihan ay umatake na naman sila at kinagat naman ang kanan kong mata kaya kinabukasan paggising ko ulit, kanang mata ko naman ang namamaga at siyempre di pa rin ako nakapasok sa school.

Di ko makakalimutan ang naging karanasan ko sa ipis at lalo kong pinangarap na balang araw ay makapamuhay naman sana ako ng mapayapa at makatulog na walang iniisip na lilipad-lipad na mga mala tora-torang ipis na war-freak na gustong maglanding anumang oras na naisin nila.

Napulot kong aral: Wag mong gagambalain ang mga ipis na nagpa-pot-session.. E loko pala sila.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

welcome dyep :) good start. i'll be waiting for more :)

3:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

d ako mka2log kya naisipan kong iopen 2ng blog mo at mgbabasa,2lugan n dne e bgla ako my naalala natawa 2loy ako gwa ng mga ipis n yan s sta.mesa.ngbibreakfast non e kkaligo lng ng tita nkabathrobe p ayun npgtripan ng ipis hala halos mabold s kakapispis ng bathrobe nya mkalabas lng ung ipis,hahahaha!!!

3:56 PM  
Anonymous Anonymous said...

tramadol online order tramadol online tennessee - buy tramadol rx online

3:24 PM  

Post a Comment

<< Home


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma