Sunday, December 11, 2005

I'm Back!!!

Im Back!!!! Ang tagal ko ng di nakakapag post ng bagong blog, grabe! Dami kong work kaya ako napatigil sandali d2.. pero sana makapag simula ulit akong magsalitype. Biglang nagsabay-sabay ang mga trabaho ko sa office, di pa kasama ang mga extra curricular activities ko dito, especially Supreme Court Choir (araw-araw na kanta sa mga SC functions, preparation ng concert namin na ginanap last December 7, etc) , Organizing Committee member ng SC Christmas Party, may pinapagawa pa sa kin boss ko na website ng kaibigan nyang German at marami pang iba. At ngayon nga unti-unti ng natatapos ang mga ginagawa ko at kapalit ng mga nagawa ko ay sipon, ubo at pamamaga ng tonsils hehehe. Well, madami naman ang natuwa sa mga nagawa ko lalong-lalo na sa concert namin nuong Dec. 7 sa PhilAm Life Auditorium, ito po'y para sa pagpaparangal sa magre-retire na Chief Justice ng Supreme Court CJ Hilario G. Davide, Jr. (Da No Votes Hev it!).

Hanggang dito muna po ulit at matutulog na muna ako, bukas gigising na naman ako ng maaga para pumasok na ulit sa office (pag nalaman na naman ni Macy na mag-o-office na naman ako, siguradong di ako tatantanan nun ng pangungulit na sumama sa kin...)


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma