Tuesday, July 31, 2007

The Continuation...

Chapter 3
SPIRIT OF THE PLATE (Awwwooooooohhhh!!!!!! hehehe)


Nung una ayaw pang magsisali ng mga choir at natatakot pero sa kae-engganyo namin napapayag din at saka sabi ko di naman namin sila pababayaan. Maganda dito halos di pa alam ng buong choir kung ano mangyayari dito pero si Bro. Jerwin (kasama naming seminarista) medyo nakakatunog na sa ganitong gawain
, 3 lang kaming nakakaalam nito, kami nina Sallie at Alma. Pinag prepare namin sila ng 3 tanong, tanong nila kung para saan.. sabi ko sa pagkatapos ng spirit of the plate, malalaman nila ang sagot... isip ng mga itatanong, seryoso lahat lalo na sina Ivy at Rica.. di ko alam na magiging seryoso sila, well, wala tayong magagawa ganyan talaga mga yan may tiwala sa kin hehehe.

Pina-stay muna namin ang mga kasali sa kwarto para duon sila magprepare at makapag concentrate sa mga itatanong nila. Alam ko may halong takot at kaba ang bawat isa dahil di pa nila alam kung ano ang mangyayari. Si Claudel ayaw talagang sumali kse natatakot talaga at isa pa maiiwan nya c Cailyn mag isa sa kwarto. Sabi pa nga, "Ala isasama ko na si Cailyn at baka makuha pa!" Ganyan kamahal ni Claudel ang anak nya.

Si Rica humirit pa ng tanong, "Kuya Jeff, pwede ga pong ang tanong ay hindi Yes or No ang sagot?" sagot ko naman, "Aba, pwedeng pwede!" (tunog nangungumbinsi na parang ahente ng Family Care sa SM, na laging itatanong sa yo kung meron kang Credit Card tapos kapag sinabi mong meron, sasabihin sa yo "CONGRATULATIONS PO KAYO AY NANALO NG FREE GIFTS MULA SA FAMILY CARE!" tapos isasama ka na sa office nila at kukumbinsihing mag member sa kanila, Ay Sus!!) mabalik tayo kay Rica dagdag ko pa, "malalaman mo nga pagkatapos ng Spirit of the Plate.."

Nuong oras din namang yun, dumating ang kaibigan ni Alma na dati nyang katrabaho sa Fujitsu, ano nga ga name nya Iska? nakalimutan ko hehehe...e nagkataon na alam din pala nya yun kaya naging observer sya. Sabi namin sa mga kasali, may sasama sa min para tumulong sa pagsasagawa ng SotP, dahil baka di kayanin ang lakas ng spirit iba na ang may makakatulong... O HA!

Mahirap ang ginawa naming preparasyon ni Sallie, sa dami ng mga kasali kelangan naming makahagilap ng mga platong gagamitin sa RITWAL (hehehe) buti na lang at iniiwan ng mga justices ang mga gamit nila sa cottages ng SC kaya mabilis namin nakumpleto ang mga pinggan na kelangan. Kinarir namin ang pag prepare, kelangan malinis ang pagkagawa este maitim ang pagkagawa para maging effective ang resulta. Pero nagbunga naman ng maganda ang ginawa naming paghihirap.

Nung ready na mga gagamitin sa ritwal at seremonya, pinag ready na rin namin ang mga kasali, siempre ako ang pinuno ng kulto bwahahahaha!!! (tawa ng nakakaloko) at ang aking mga kanang kamay ay sina Salli at Alma with special participation ng kaibigan ni Alma. Hindi madali ang gagawin dahil mahirap gawin ang imposible at mahirap pumigil ng tawa. :) Dahil sa paging seryoso ko nadala na rin ang buong grupo kaya naengganyo sila at pumayag sa aming gagawin. Magaling din mangumbinsi ang aking dalawang accomplish kaya madaling nahikayat ang mga biktima. Si ate Emma naman talagang takot na rin pero siempre no choice sya na sumali dahil sya lang ang di makakasali at siguradong mas nakakatakot mag-isa sa kwarto e mas nakakahiya naman na kasali ang anak nya na si Ianne tapos sya hindi, ang malupit pa dito bago sumali si ate Emma, nag makeup pa sya hehehe parang may katagpo sa panaginip. :)

Natapos na ang preparasyon at nang sa tingin namin na ready na rin ang grupo, tinawag ko na sila para pumunta sa bulwagan ng kadiliman este sa kusina pala na kasalukuyang patay ang ilaw na sinadya naming patayin para di mahalata ang ginawa namin. Halata ang pagkatakot sa mukha ng bawat isa at nakatulong ang pagiging creepy ng lugar at malamig na panahon ng baguio. sa hapag ng lamesa pinaupo namin sabay sabay ang lahat at sa harapan nila ay may tigi tigisa silang mga pinggang na gagamitin sa ritwal na tinawag naming Spirit of the Plate. hinayaan ko muna silang makaayos sa kani-kanilang mga upuan at maging komportable sa kanilang mga lugar, at nung alam ko na handa na sila sinimulan ko na ang seremonya... Nagsalita ako ng mga paunang salita at mga konting paunawa at regulasyon at sinimulan ko na rin ang mga nakakakila-kilabot at makatindig balahibong ritwal ng pang-uuto hehehe!

Sabi ko sa napakalalim na boses "Ipikit ninyo ang inyong mga mata... pakiramdaman nyo ang paligid.. ang lamig ng hangin...........hawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pinggan at ito'y iangat..." at ng mahawakan na nila, " ilagay sa ilalim ng pinggan ang kanang kamay at ang kaliwang kamay naman ay sa ibabaw nito.." nakasunod naman sa instruction, " Ngayon isipin ninyo ang una nyong tanong at habang iniisip ito, paikutin ang pinggan ng limang beses pakanan..." mukhang ang iba ay di nakuha ang ginawa ko dahil si Maica at Rica iba ang ginagawa, sa halip na paikutin sa kanilang mga palad ang plato ang ginagawa nila ay pinapaikot ang pinggan na parang naglalako ng gulay sa palengke (hehehe!) "Pakituruan sina Maica at Rica ng tamang pagpapaikot ng pinggan..." at para maalarma pa.."Meron pa akong nakikitang nakamulat ang mata, kung maaari walang magbubukas ng mata.."bago ko itinuloy ang instruction sa kanila, tinakot ko muna,"Huwag nyong hahayaang mabasag o mabitiwan ang pinggan, kapag may nabasag kahit isang pinggan may masamang mangyayari...." (kung alam nyo lang na ang masamang mangyayari ay pare-pareho tayong lagot kapag nabasag ang pinggan, magbabayad tayo sa management ng Supreme Court sa kapabayaan natin sa gamit ng SC)..."Baligtarin ang pagkakahawak sa pinggan, hawakan ulit sa magkabilang side ang pinggan at ilagay naman ngayon ang kaliwang kamay sa ilalim ng pinggan at ang kanan sa ibabaw nito..... Ngayon naman, paikutin ang pinggan ng limang beses pakaliwa at habang pinapaikot ito ay isipin naman ang pangalawang katanungan......... Kung tapos na, ilapag ng dahan-dahan ang mga hawak ninyong pinggan sa lamesa...." sa pangatlong pagkakataon eto na ang sinabi ko, "Isipin ninyo ang pangatlo nyong katanunga at habang ginagawa ito, ipahid ng pa-krus ng limang beses ang inyong palad sa inyong mukha..." Si ate Emma di marunong kaya tinuruan sya ni Sallie kung papano kaya nakapagpahid sya ng mahusay at maganda 0:)... Ngayon, malalaman nyo na ang kasagutan sa inyong mga tanong sa inyong mga katabi na makikita sa kanilang mga mukha..." Sabay bukas ng ilaw ... DYARRANNNN!!!!!!

SUCCESS! LAHAT SILA AY MAY ULING SA KANILANG MGA MUKHA! HEHEHEHE BWAHAHAHA! NYEHEHEHE!!! NYE! NYE! NYE-NYE-NYE!

Si Bro. Jerwin meron din uling kahit alam na nya kung ano mangyayari pero sumali pa rin kahit nakasalalay ang mukha nya at ng bawat isa dito. Siguro kung bawat salita nila ay may power na gaya ng mga wizards at witches sa Harry Potter book malamang tadtad na kaming tatlo nina Sallie at Alma ng sumpa at galit ng grupo, pero nag enjoy naman yata sila dahil natapos ang ritwal ng masaya at may ngiti ang bawat isa sa kanilang mga labi (aysus! parang kopya ko yun sa pocket love story ah?) Pero Si Claudel naman nagsalita pa ng ganito, " Ate Emma ilang taon ka na?" sagot ang ate Emma, "4? na" hirit pa ni Claudel, " Ala katatanda na natin, nagpapauto pa tayo sa mga iyan!" hehehe! Natagalan din bago natanggal ang uling sa kanilang mga mukha at mga kamay, pati si Yeye pati damit nalagyan (naku Yeye sensya ka na, sorry talaga... hehehe! malamang ang ate Elsa ang nakunsumi sa pagtatanggal ng uling sa sweatshirt mong bagong bili). Si Ate Emma naman siempre panibagong apply ulit ng make-up, siguro nga may katagpuan sya sa panaginip hehehe, nagpapaganda pa eh!

Matagal pa bago nagkatulugan ang lahat, dahil sa walang humpay na tawanan at kwentuhan sa naging ekspiryens nila sa nangyaring spirit of the plates. Kung ano mga naging reaksyon nila pagkakita sa mga katabi at nagkalabasan pa kung ano ang kanilang mga naging tanong... Si Ivy nga e, talagang seryoso ang naging tanong at personal pa talaga. Sa kwarto naman namin di rin ako makatulog sa pagkakahiga at ayaw akong dalawin ng antok dahil siguro sa mga nangyari kaya naisipan ko na lang lumabas at baka may makakwentuhan. Sakto naman na uuwi na rin yung kaibigan ni Alma kaya hinatid namin sya nina Alma sa gate ng Supreme Court, di rin daw makatulog sina Sallie kaya kasama na rin, tapos nagtawag pa ng kasama sa kabilang kwarto, nakasama tuloy pati ibang choir, sina Maica, Keen, Ekka at April na di nakasali sa session dahil natulog, nagising lang nung niyaya ng mga kasama. Pagkahatid namin sa kaibigan ni Alma, nagkayayaan kami ni Alma na pumunta ng downtown at napagkasunduan na maglakad na lamang. Medyo malayo din ang downtown pero malamig naman kaya medyo ok lang maglakad. Pagdating namin dun kumain n lang kami sa Chowking at masarap daw mag noodles,... ayos nga naman, mainit na sabaw ng beef noodles at siomai.. sarap! Past 1 a.m. na siguro nung bumalik kami sa cottage at medyo antok na rin ako...tulog na rin mga kasama namin ng dumating kami sa cottage.. ang sarap matulog, sana wala akong maramdamang kakaiba sa paligid at saka medyo kilala na rin naman siguro kami ng nag-aalaga sa cottage.... click! (tunog ng switch ng ilaw).


Chapter 4

Homeward Bound

May 13 Sunday

Ang sarap gumising... sa almusal uling pa rin ang pinag-uusapan ng bawat isa, walang humpay na tawanan. Pagkatapos makapag almusal at ligo pinag usapan na rin ang lakad ngayon pero malamang kelangan na rin ng mabilis na kilos dahil napagkasunduan na rin na bumaba ng tanghali para daw makapahinga pa at kinabukasan ay eleksyon pa, lalo na si Rica na abala din sa kanila sa Brgy. Tralala, SK Chairman e. Unang pinag-usapan naming gagawin ay sumimba sa cathedral, biniro ko pa nga na kami ang kakanta sa misa.

Nauna na ang ibang pumunta sa cathedral kasama ako. Buti di pa nagsisimula ang misa at madami pang available na upuan. Sarap nga sana kumanta, papak lang ang kantahan sa misa, walang choir. Di ko rin nabuo ang mass, hinanap ko pa iba, yun pala napahiwalay ng upuan, nagkatagpo lang pagkatapos ng misa. Piktyuran na naman kataku-takot sa harap ng simbahan kala mo mga turistang koreano hehehe.



Pagkatapos sa cathedral dumiretso na kami sa palengke para mamili ng mga pasalubong at mga bilin. Lakad ng medyo malayo papuntang palengke at pagdating sa palengke inilabas na ang mga itinatagong mga kodigo ng mga bibilhin at naghiwa-hiwalay kala mo mga sanay sa palengke :) ang tagal namn bago nagkita-kita pati ang balak na pagpunta sana sa Burnham Park (Burnharm Park ni Maica) ay malamang di na matuloy dahil sa palengke pa lang ubos na ang oras namin. Nung makita ko ang grupo parang naubos yata ang paninda ng Baguio, malamang makakapahinga ng matagal ang mga tindera ng gulay at pasalubong sa palengke sa ginawang pamimili ng grupo. Si Alma at Matet nga pagdating sobra pa sa isang sako ang dala, Si Alma mukhang magtitinda ng panindang gulay sa palengke sa Talisay.hehehe Si Matet naman dahil sa dami ng biniling paninda este pasalubong nahirapan sa pagdadala kaya sya ang kahuli-hulihang natapos at naiwan sa palengke at di pa yun, may nakalimutan pa bilhin kaya bumalik pa sa palengke. :) Ako naman pagkatapos makapamili ng mga pasalubong sa palengke, humiwalay sa grupo para mag isip ng ibibigay ko kay Winnie (Mother's Day) nung araw na yun (May 13) at sa SM ako napapunta para makabili dun ng regalo. Pagkatapos ko makabili diretso na rin ako sa cottage, aba! at tapos na kumain ang lahat maliban sa akin, at si Matet? wala pa rin... Kumain na muna ako (courtesy of friend of Alma).

Uwian na!

Mabilis mag-impake ang lahat, sandali lang ay halos ready na ang lahat para umuwi sa Talisay, ako pa ang nahuli sa pag-iimpake at kahuli-hulihang umalis ng cottage. Ang mga natira naming mga nabili para sa pagkain ay iniwan na lang namin sa mga mababait na guard ng Supreme Court. Pagdating ko sa gate sina ate Emma na lang ang natira, at dahil sa dami ng mga dalang pasalubong nag taxi pa sila e kung tutuusin napakalapit lang ng terminal ng Victory Liner at pwede itong puntahan kahit pikit ka pa hehehe.

Epilogue - Nineteen Minutes Later


Autumn seemed to arrive suddenly that year. The morning of the
first of September was crisp and golden as an apple, and as the
little family bobbed across the rumbling road towards the great
sooty station, the fumes of car exhausts and the breath of pedestrians sparkled
like cobwebs in the cold air. Two large caged rattled on top of the laden trolleys
the parents were pushing; the owls inside them hooted indignantly, and the
redheaded girl trailed tearfully behind her brothers, clutching her father’s arm.


..... Ano ga iyun? namali yata ako ng nai-kwento?

(Pahiram ng sinabi mo hehehe Ate Joanne "Jo" Murray née Rowling aka J. K. Rowling )
Sandali lang nasa loob na ko ng bus ng Victory Liner at naghihintay na lang ng alis nito. Humiwalay ako ng sakay ng bus sa grupo dahil sila ay sa Maynila bababa at ako naman hanggang Pampanga lang (alangan namang sa Maynila pa ako bumaba tapos sasakay ulit ng bus pabalik sa Pampanga? Aba! Ano ako mayaman at di napapagod? hehehe Ka-text ko sina ate Emma at sabi nasa bus na din daw sila at nasa daan na, ok sana kung magkikita pa kami sa stop over ng mga bus sa may Rosario sa baba na ng Baguio pero di rin kami nagpang-abot.

Napakaganda at masaya ang naging experience namin sa Baguio kahit sandali lang, sabi nga ng choir sana nagtagal pa kami ng konti at sobrang bitin ang stay namin dun. Nakakabitin nga talaga pero sa konting panahon na tumigil kami sa Baguio naging mas close ang bawat isa, nakilala ko pa lalo ang grupo. Sayang hindi namin nakasama ang ibang member ng Coro Guimo, siguro mas lalong masaya at mas madami ang biktima ng Spirit of the Plate hehehe Nasabi na lang namin, sa susunod na pumunta kami sa Baguio City siguruduhin namin na lahat ay sasama.

Ako naman isa lang ang natutunan ko at nalaman ko at ito rin ang sinabi ko sa grupo nuong kami ay nasa Baguio at ito rin ang huling sinabi ko sa Coro Guimo bago ako umalis papunta dito sa Canada..

"Ngayon ko lang masasabi na malaki pala talaga ang tiwala n'yo sa kin.. Na kahit alam n'yo na di n'yo sigurado ang mangyayari sa mga gagawin, gagawin n'yo pa rin ito dahil pinagkakatiwalaan ninyo ako..." Sana ganun din ang isipin ninyo sa bawat isa, magtiwala kayo sa mga kasama ninyo. Sa pagbibigay ninyo ng tiwala sa bawat isa magiging madali na magawa ang isang bagay kahit gaano man ito kahirap, katulad ng ginagawa natin sa pag-awit sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga ka member natin. hindi natin namamalayan madali nating makakanta ang mga awitin ng di natin namamalayan kahit gaano man ito kahirap....

GOD BLESS YOU GUYS!!! KEEP ON SINGIN'... HAWAK LAMANG, WALANG BIBITAW!

THE END


Added Attraction :



























0 Comments:

Post a Comment

<< Home


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma