Monday, October 20, 2008

Isang taon na pala nung huli akong nag-post ng blog dito tsk tsk! Sa sobrang pagod at pulos trabaho ako dito di ko na nagawang mai-update ang blog ko. Hopefully, makagawa na ulit ako ng bago....

Abangan nyo na lang.

Saturday, October 06, 2007

Buhay Winnipeg

Ang bilis talaga ng panahon, kailan lang kadarating lang namin dito sa canada. Simula ng dumating kami dito nuong August 4, lampas na agad sa tatlong buwan kaming nakatira dito. Dito pa rin kami nakatira sa bahay ng family ng ate ko. Madami na din kaming napuntahan dito, malls, parks, beach, bahay ng mga kamag-anak, kaibigan at mga taga Talisay na nandito na rin sa Winnipeg. Mababait ang mga tao dito sa Winnipeg, kahit di ka kakilala, babatiin ka pa rin, kaya nga siguro ang naging slogan ng Manitoba ay "Friendly Manitoba" dahil sa pagiging friendly ng mga tao, well, di naman lahat siyempre ganun ang ugali pero mababait pa rin talaga ang mga taong nakakasalubong ko at nakikilala. Nun ngang nag apply kami ng Social Insurance Number o sa kilala dito na SIN at ng health card dito sa winnipeg, napaka accomodating ng personnel na nagpa-process nito, napaka-warm ng tanggap nila sa mga taong kumukuha nito kaya pati ikaw magaan mong makakausap ang mga ito kahit ang ingles mo ay iwa-iwarang :) Maganda din ang palakad ng gobyerno ng canada dito, kahit sabihin mo ang lahat ng bilihin dito ay may tax at iba nga ay sobrang taas ng tax, pero alam mo naman na may pinupuntahan ang kinaltas sa yo.


September 14 nagsimula akong magtrabaho dito, mabilis akong natanggap sa work dahil siguro madami ang kailangan nilang trabahador at saka kelangan daw nila ang cute na kagaya ko wehehehe! (baka maniwala kayo, di totoo yun... konti lang hehehe). Sa Convergys ang naging unang trabaho ko, isang call center dito. Sa isang Satellite cable TV provider ako napapunta sa Bell Express Vu. Kelangan ko pa ring mag undergo ng training ng isang buwan bago sumabak ng totoong work. Hindi ako tumagal duon kse unang una malayo sa bahay namin at medyo nakakahiya din kay kuya Junior (bayaw ko) dahil sya pa ang naghahatid sa kin sa work dahil wala pa kong sariling sasakyan at pangalawa, mahirap din dahil di ko naman porte talaga ang ganitong uri ng work, kahit na sa telepono ka lamang makikipag usap pero mahirap pa din lalo na at di ka naman pamilyar sa ginagawa mo.


Madali akong nakakita ng bagong trabaho dito, nagustuhan ko pa ang naging trabaho ko dito dahil nasa linya ko ang work ko, nasa photo editing ako gamit ang paborito kong graphic editor software ang Adobe Photoshop. trabaho ko din dito ang data entry. Ang company na napasukan ko ay ang Lifetouch Canada, Inc., sila ang may hawak ng mga class pictures, ID pictures at graduation pictures ng madaming school dito sa Canada at US. Matutuwa ka sa company na ito kse halos 70% ng mga empleyado ay pulos pinoy kaya parang di ka rin umalis ng Pilipinas, pag nagb-break nga para kang nasa canteen ng isang kumpanya dyan sa atin dahil lahat ng table pulos pinoy. Dito din nagwo-work si Winnie at nasa data entry sya, yun nga lang di kami magkasabay ng oras, ako simula ng 7:30AM hanggang 3:45 PM at si Winnie naman ay 3:45PM hanggang 12 midnight. Sinusundo ko na lamang si Winnie sa trabaho pagkatapos nya dito, kaya konti na din lang ang naiitulog ko at kinabukasan maaga pa din akong gigising at ako naman ang papasok sa trabaho. Di kami pwedeng magsabay kse walang maiiwan sa bahay para magbantay sa mga bata, di gaya sa Pinas na pwede kang kumuha ng kasambahay para mag alaga sa mga bata habang wala ang magulang, dito pag kumuha ka ng kasambahay parang buong sweldo mo mapupunta lang sa kanila.


Minsan sa trabaho sa sobrang pagod ko naaalala ko tuloy ang dating trabaho kong naiwan sa Pilipinas, pag napagod pwedeng magpahinga at makinig muna ng music o kaya mag txt sa mga kabarkada, o kaya makipag chat sa mga kakilala, dito para makapahinga ng konti at mawala ang antok punta lang saglit sa washroom (sa tin CR, comfort room, restroom at kung anu-ano pang room) para mag-inat at saka bawal sa trabaho ang gumamit ng celfone (call or text) at kung gagamit ka ng mp3 player, kelangan isang tenga ko lang ang may pasak na earfone para marinig mo kung may sinasabi ang katabi mo o ang supervisor.... susme ako pa naman di mabuhay ng walang music na naririnig.


Katatapos lang ngayon ng autumn o fall dito, ang gandang panuorin ng mga dahon na nalalaglag sa mga puno dahil sa hangin at lalong maganda ang mga kulay ng mga dahon, na pulos kulay dilaw at brown na tanda na malapit ng malaglag sa pagkakakapit sa mga sanga ng puno. makalat nga lamang pero ang gandang tingnan lalo na at nililipad ng hangin na parang nagsasayaw at naglalaro. Medyo malamig na rin ang klima pagdating ng fall, naglalaro sa 15 hanggang 18 at kung minsan bumababa pa sa 11 at kung talagang malamig nasa 8 hanggang 10 degrees ang temperature. Mas lalo pang lalamig kung sasamahan pa ng hangin, na nagpapatuyo pa ng balat mo. ang mahirap pa ay kung mahina ang resistensya mo sa lamig, malamang magkakasipon ka at didiretso na ng ubo, buti na lang sipon pa lang ang dumadapo sa kin.

Ngayon din lang ako naka experience ng Trick or Treat dito, sobra ang pagkahumaling talaga ng mga taga western sa ganitong uri ng pagdiriwang, kung sa atin ay sa tradisyong Undas o Todos Los Santos at Araw ng mga Patay na karaniwang nagpupunta tayo sa puntod ng mga yumao nating mga mahal sa buhay at sa gabi naman ay ginagawa natin kadalasan ay magkakaroon ng pangangaluluwa na parang caroling pag pasko dito kina-career talaga ang halloween, wala kang makikitang bata dito na walang costume, may iba't-ibang klaseng kasuotan ang makikita mo sa labas, may nakakatakot at may nakakatuwa pati nga ang matatanda lalo na ang ibang magulang ng mga batang nagti-treat or trick ay naka costume din, KJ lang ang mga tao ditong nakatunganga lamang sa bahay at nagkukulong at patay ang ilaw para walang kumatok sa mga pintuan nila para manghingi ng candy's. Ginagastusan din ng mga taga rito ang pagdekorasyon sa kani-kanilang bahay para magmukhang nakakatakot at yun din ang sign na pag may dekorasyon ang bahay pwede kang kumatok sa kanilang pinto. Sina Macy at Mady first time nag trick or treat kasama ang pinsan nilang si Justin pero di na kami nagpunta sa mga bahay dito at sa mall na lamang dahil medyo malamig na rin sa labas, at least nakaranas na rin sila kahit papano.. Siguro next year sa mga mayayamang lugar dito sa Winnipeg kami magti-trick or treat para mas maganda ang maibigay. :)

Ngayon nagsisimula nang pumatak ang snow dito, siempre excited ako ngayon lang ako makakakita ng tunay na snow, dati nakakakita lang ako ng snow sa tv, sa pictures at sa loob ng freezer ng pridyider namin pero ngayon nahahawakan ko na. Kung walang hangin at pumapatak ang snow, di pala ganun kalamig pero oras na nasamahan ng hangin nakaw wag ka na mag-isip na maggala sa labas at mas masarap pang mamaluktot at matulog na lamang. Naglalaro na sa double digit ang temperature ngayon dito, sa kasalukuyan ay minus (-) 21 degrees celcius at may kasamang wind chill na minus (-) 33 degrees kaya grabe ang lamig, sabi ng mga matagal na dito, di pa daw to ang pinakamalamig dito, maghintay daw ako ng mga january at siguradong buhay freezer na talaga, e ngayon pa nga lang parang nasa loob ng napakalaking freezer na ako e ano pa kaya yun? Kaya nga daw tinawag itong Winterpeg e :) Isip ko nga parang ang sarap magnegosyo ngayon dito, balak kong magtayo ng halo-halo restaurant ngayon, isipin mo ang bibilhin mo lang naman ay mga sangkap ng halo-halo tapos lagay mo lang sa isang baso labas ka lang ng bahay at sandok ka lang sa snow lagyan mo ng gatas sa ibabaw at meron ka ng halo-halo, lagyan mo ng ice cream sa ibabaw at espesyal na :) di ga?

Malapit na naman ang pasko at ibang pasko ngayon ang mararanasan ko pati ng pamilya ko dito sa Canada. Di na kagaya dati na pag tungtong ng Setyembre, ako yata ang kauna-unahang nagpapatugtog sa office namin ng mga pamaskong kanta sa pc ko, simula na ng pamimili ng mga pangregalo para sa mga inaanak, simula na rin ng pagiging busy ko sa pagtuturo sa aking choir (ang Coro Guimo) ng mga kantang pang advent at pamasko para sa simbahan, simula na ng tanggapan ng mga bonuses sa opisina.. pero ngayon iba na, malayong kaibahan dito sa Canada, kung hindi ka pa magpapatugtog ng cd na pamasko sa kotse mo di mo mapi-feel na malapit na ang pasko, hindi big deal dito ang pasko, napapag usapan pero ordinaryong araw na lang yata ang napakahalagang araw na ito dito, walang bonus dito sa opisina, para makatanggap ka ng mataas-taas na sweldo, sipagan mo ang pag-o-overtime kaso malaking bahagi ng OT mo mapupunta pa rin sa tax at kung minsan kung may lates at absences ka sa trabaho yung OT mo mapupunta dun sa kulang na oras para makumpleto ang 40 hours na kelangan sa loob ng isang linggo, pero ako OT pa rin lagi ng sabado para pangdagdag na rin sa gastusin pero pag Linggo kelangan ko muna magpahinga para pagdating ng Lunes medyo recharged na ulit. Pag nagsisimba kami, kuntento na lang akong makisabay sa kanta ng choir na dati ako ang nagli-lead ng pagkanta sa misa, kaya nakaka miss talaga. Tinatanong nga ako ng kapatid ko dito kung bakit daw ayaw ko sumali sa choir dito sagot ko na lamang medyo pagod na yata ako.. pero ang totoo baka mamiss ko lang lalo ang choir ko sa tin at hanapin ko sa choir dito ang dati ko ng nakasanayang choir.

Bukas simula na naman ng panibagong araw, trabaho na naman, simula na ulit ng maghapong nakatitig sa monitor ng computer at pagsakit ng likod, aantok-antok at iniiwasang wag mapapikit at baka makita ng supervisor at mapauwi ng maaga :) Kaya kelangan ko na ring tapusin itong blog ko para makapagpahinga na rin at gigising pa ako ng maaga at makikipagbuno pa ako sa lamig at snow pagpasok, magpapala pa nga pala ako ng snow malamang... Bye at hanggang sa muli!



Autumn Pics

Trick or Treat Pics

Winter Pics

Thursday, October 04, 2007

Desperate Housewives show insults Philippine Medical School

The Philippine government is seeking an apology from the American television network ABC and the producers of the hit US television series “Desperate Housewives” over a racial slur made against Philippine medical schools and professionals.



In a controversial clip from the premiere of ABC’s Desperate Housewives, Susan Mayer, (played by Teri Hatcher) was consulting a gynecologist and refuses to be examined. She replied: “Okay, before we go any further, can I check those diplomas? Coz I would just like to make sure they are not from some med school in the Philippines.”

We Filipinos demand an apology from the producers and scriptwriters of the show...

Sunday, September 02, 2007

A very nice and sad story. Ewan ko lang pag di kayo umiyak ...

Friday, August 03, 2007

Irish Blessing

I would like to thank so many people for being such good friends; Sa mga pare ko - Doolan, Cris, Rocky, Nomer, Edwin, kelan ulit natin kakantahin ang Leader of the Band?

Sa minamahal kong choir ng San Guillermo, kay Ate Emma, Sallie, Claudel, Yeye, Alma, Mareng Tonette, Jenny, Pareng Greg, Docards, Nelson, Roland, Ivy, Rica, Matet, Jeck, Maica, Keen, Eka, April, Kristel, Marjorie, (Super Twins)- Jayson at Jester, Richard, Jun, Favis. kasama din sina Pareng Doolan, Cris, Rocky, Nomer. Ipagpatuloy nyo pa ang magandang awitan ng grupo. Sana sa pagbalik ko hindi lang kayo ang makikita ko na kumakanta sa misa sana may mga bagong mang-aawit akong marinig...

Sa napakabait kong kumare si Mareng Emma, sa mga kaibigan kong Pari ng Batangas Bishop Rey, Ninong Fr. Godo, Fr. Manding Lubis, Fr. Rhandy, Fr. Glenn at Fr. Vel.

Sa Supreme Court Choir-EdNep, Ninang Mariz, Ate Cora, Dong, Goryo, Tita Pet, Ate Vec, Ate Rose, Tintin, Tiny, Bing, Levien, Melody, Bennet, Joyce, Jun, Tolits, Jonie, Pareng Francis, Pareng Dindo, Noe, Frank and Blenn. Sana makapag concert ang choir sa winnipeg :)

Sa mga kaibigan ko sa MISO- Sir Joey, Boss Edwin, Bing, DG, Pareng Arman, Pareng Jovs, Ric, Mike, Kabayang Rizza, Tita Lina, Janeth, Joan, Tita Jho at Sir Garry. Mami-miss ko kayo pati ang trabaho ko...lalo na ang school bukol natin. :)

Sa mga nakalimutan ko, nakalimutan ko man kayo maisulat dito pero hindi sa aking puso..

I will surely miss all of you...

So, farewell, thanks and till we meet again!


IRISH BLESSINGS


May the road rise to meet you.
May the wind be always at your back.
May the sun shine warm upon your face.
And rains fall soft upon your fields.
And until we meet again,
May God hold you in the palm of His hand.

Tuesday, July 31, 2007

The Continuation...

Chapter 3
SPIRIT OF THE PLATE (Awwwooooooohhhh!!!!!! hehehe)


Nung una ayaw pang magsisali ng mga choir at natatakot pero sa kae-engganyo namin napapayag din at saka sabi ko di naman namin sila pababayaan. Maganda dito halos di pa alam ng buong choir kung ano mangyayari dito pero si Bro. Jerwin (kasama naming seminarista) medyo nakakatunog na sa ganitong gawain
, 3 lang kaming nakakaalam nito, kami nina Sallie at Alma. Pinag prepare namin sila ng 3 tanong, tanong nila kung para saan.. sabi ko sa pagkatapos ng spirit of the plate, malalaman nila ang sagot... isip ng mga itatanong, seryoso lahat lalo na sina Ivy at Rica.. di ko alam na magiging seryoso sila, well, wala tayong magagawa ganyan talaga mga yan may tiwala sa kin hehehe.

Pina-stay muna namin ang mga kasali sa kwarto para duon sila magprepare at makapag concentrate sa mga itatanong nila. Alam ko may halong takot at kaba ang bawat isa dahil di pa nila alam kung ano ang mangyayari. Si Claudel ayaw talagang sumali kse natatakot talaga at isa pa maiiwan nya c Cailyn mag isa sa kwarto. Sabi pa nga, "Ala isasama ko na si Cailyn at baka makuha pa!" Ganyan kamahal ni Claudel ang anak nya.

Si Rica humirit pa ng tanong, "Kuya Jeff, pwede ga pong ang tanong ay hindi Yes or No ang sagot?" sagot ko naman, "Aba, pwedeng pwede!" (tunog nangungumbinsi na parang ahente ng Family Care sa SM, na laging itatanong sa yo kung meron kang Credit Card tapos kapag sinabi mong meron, sasabihin sa yo "CONGRATULATIONS PO KAYO AY NANALO NG FREE GIFTS MULA SA FAMILY CARE!" tapos isasama ka na sa office nila at kukumbinsihing mag member sa kanila, Ay Sus!!) mabalik tayo kay Rica dagdag ko pa, "malalaman mo nga pagkatapos ng Spirit of the Plate.."

Nuong oras din namang yun, dumating ang kaibigan ni Alma na dati nyang katrabaho sa Fujitsu, ano nga ga name nya Iska? nakalimutan ko hehehe...e nagkataon na alam din pala nya yun kaya naging observer sya. Sabi namin sa mga kasali, may sasama sa min para tumulong sa pagsasagawa ng SotP, dahil baka di kayanin ang lakas ng spirit iba na ang may makakatulong... O HA!

Mahirap ang ginawa naming preparasyon ni Sallie, sa dami ng mga kasali kelangan naming makahagilap ng mga platong gagamitin sa RITWAL (hehehe) buti na lang at iniiwan ng mga justices ang mga gamit nila sa cottages ng SC kaya mabilis namin nakumpleto ang mga pinggan na kelangan. Kinarir namin ang pag prepare, kelangan malinis ang pagkagawa este maitim ang pagkagawa para maging effective ang resulta. Pero nagbunga naman ng maganda ang ginawa naming paghihirap.

Nung ready na mga gagamitin sa ritwal at seremonya, pinag ready na rin namin ang mga kasali, siempre ako ang pinuno ng kulto bwahahahaha!!! (tawa ng nakakaloko) at ang aking mga kanang kamay ay sina Salli at Alma with special participation ng kaibigan ni Alma. Hindi madali ang gagawin dahil mahirap gawin ang imposible at mahirap pumigil ng tawa. :) Dahil sa paging seryoso ko nadala na rin ang buong grupo kaya naengganyo sila at pumayag sa aming gagawin. Magaling din mangumbinsi ang aking dalawang accomplish kaya madaling nahikayat ang mga biktima. Si ate Emma naman talagang takot na rin pero siempre no choice sya na sumali dahil sya lang ang di makakasali at siguradong mas nakakatakot mag-isa sa kwarto e mas nakakahiya naman na kasali ang anak nya na si Ianne tapos sya hindi, ang malupit pa dito bago sumali si ate Emma, nag makeup pa sya hehehe parang may katagpo sa panaginip. :)

Natapos na ang preparasyon at nang sa tingin namin na ready na rin ang grupo, tinawag ko na sila para pumunta sa bulwagan ng kadiliman este sa kusina pala na kasalukuyang patay ang ilaw na sinadya naming patayin para di mahalata ang ginawa namin. Halata ang pagkatakot sa mukha ng bawat isa at nakatulong ang pagiging creepy ng lugar at malamig na panahon ng baguio. sa hapag ng lamesa pinaupo namin sabay sabay ang lahat at sa harapan nila ay may tigi tigisa silang mga pinggang na gagamitin sa ritwal na tinawag naming Spirit of the Plate. hinayaan ko muna silang makaayos sa kani-kanilang mga upuan at maging komportable sa kanilang mga lugar, at nung alam ko na handa na sila sinimulan ko na ang seremonya... Nagsalita ako ng mga paunang salita at mga konting paunawa at regulasyon at sinimulan ko na rin ang mga nakakakila-kilabot at makatindig balahibong ritwal ng pang-uuto hehehe!

Sabi ko sa napakalalim na boses "Ipikit ninyo ang inyong mga mata... pakiramdaman nyo ang paligid.. ang lamig ng hangin...........hawakan ng dalawang kamay ang magkabilang bahagi ng pinggan at ito'y iangat..." at ng mahawakan na nila, " ilagay sa ilalim ng pinggan ang kanang kamay at ang kaliwang kamay naman ay sa ibabaw nito.." nakasunod naman sa instruction, " Ngayon isipin ninyo ang una nyong tanong at habang iniisip ito, paikutin ang pinggan ng limang beses pakanan..." mukhang ang iba ay di nakuha ang ginawa ko dahil si Maica at Rica iba ang ginagawa, sa halip na paikutin sa kanilang mga palad ang plato ang ginagawa nila ay pinapaikot ang pinggan na parang naglalako ng gulay sa palengke (hehehe!) "Pakituruan sina Maica at Rica ng tamang pagpapaikot ng pinggan..." at para maalarma pa.."Meron pa akong nakikitang nakamulat ang mata, kung maaari walang magbubukas ng mata.."bago ko itinuloy ang instruction sa kanila, tinakot ko muna,"Huwag nyong hahayaang mabasag o mabitiwan ang pinggan, kapag may nabasag kahit isang pinggan may masamang mangyayari...." (kung alam nyo lang na ang masamang mangyayari ay pare-pareho tayong lagot kapag nabasag ang pinggan, magbabayad tayo sa management ng Supreme Court sa kapabayaan natin sa gamit ng SC)..."Baligtarin ang pagkakahawak sa pinggan, hawakan ulit sa magkabilang side ang pinggan at ilagay naman ngayon ang kaliwang kamay sa ilalim ng pinggan at ang kanan sa ibabaw nito..... Ngayon naman, paikutin ang pinggan ng limang beses pakaliwa at habang pinapaikot ito ay isipin naman ang pangalawang katanungan......... Kung tapos na, ilapag ng dahan-dahan ang mga hawak ninyong pinggan sa lamesa...." sa pangatlong pagkakataon eto na ang sinabi ko, "Isipin ninyo ang pangatlo nyong katanunga at habang ginagawa ito, ipahid ng pa-krus ng limang beses ang inyong palad sa inyong mukha..." Si ate Emma di marunong kaya tinuruan sya ni Sallie kung papano kaya nakapagpahid sya ng mahusay at maganda 0:)... Ngayon, malalaman nyo na ang kasagutan sa inyong mga tanong sa inyong mga katabi na makikita sa kanilang mga mukha..." Sabay bukas ng ilaw ... DYARRANNNN!!!!!!

SUCCESS! LAHAT SILA AY MAY ULING SA KANILANG MGA MUKHA! HEHEHEHE BWAHAHAHA! NYEHEHEHE!!! NYE! NYE! NYE-NYE-NYE!

Si Bro. Jerwin meron din uling kahit alam na nya kung ano mangyayari pero sumali pa rin kahit nakasalalay ang mukha nya at ng bawat isa dito. Siguro kung bawat salita nila ay may power na gaya ng mga wizards at witches sa Harry Potter book malamang tadtad na kaming tatlo nina Sallie at Alma ng sumpa at galit ng grupo, pero nag enjoy naman yata sila dahil natapos ang ritwal ng masaya at may ngiti ang bawat isa sa kanilang mga labi (aysus! parang kopya ko yun sa pocket love story ah?) Pero Si Claudel naman nagsalita pa ng ganito, " Ate Emma ilang taon ka na?" sagot ang ate Emma, "4? na" hirit pa ni Claudel, " Ala katatanda na natin, nagpapauto pa tayo sa mga iyan!" hehehe! Natagalan din bago natanggal ang uling sa kanilang mga mukha at mga kamay, pati si Yeye pati damit nalagyan (naku Yeye sensya ka na, sorry talaga... hehehe! malamang ang ate Elsa ang nakunsumi sa pagtatanggal ng uling sa sweatshirt mong bagong bili). Si Ate Emma naman siempre panibagong apply ulit ng make-up, siguro nga may katagpuan sya sa panaginip hehehe, nagpapaganda pa eh!

Matagal pa bago nagkatulugan ang lahat, dahil sa walang humpay na tawanan at kwentuhan sa naging ekspiryens nila sa nangyaring spirit of the plates. Kung ano mga naging reaksyon nila pagkakita sa mga katabi at nagkalabasan pa kung ano ang kanilang mga naging tanong... Si Ivy nga e, talagang seryoso ang naging tanong at personal pa talaga. Sa kwarto naman namin di rin ako makatulog sa pagkakahiga at ayaw akong dalawin ng antok dahil siguro sa mga nangyari kaya naisipan ko na lang lumabas at baka may makakwentuhan. Sakto naman na uuwi na rin yung kaibigan ni Alma kaya hinatid namin sya nina Alma sa gate ng Supreme Court, di rin daw makatulog sina Sallie kaya kasama na rin, tapos nagtawag pa ng kasama sa kabilang kwarto, nakasama tuloy pati ibang choir, sina Maica, Keen, Ekka at April na di nakasali sa session dahil natulog, nagising lang nung niyaya ng mga kasama. Pagkahatid namin sa kaibigan ni Alma, nagkayayaan kami ni Alma na pumunta ng downtown at napagkasunduan na maglakad na lamang. Medyo malayo din ang downtown pero malamig naman kaya medyo ok lang maglakad. Pagdating namin dun kumain n lang kami sa Chowking at masarap daw mag noodles,... ayos nga naman, mainit na sabaw ng beef noodles at siomai.. sarap! Past 1 a.m. na siguro nung bumalik kami sa cottage at medyo antok na rin ako...tulog na rin mga kasama namin ng dumating kami sa cottage.. ang sarap matulog, sana wala akong maramdamang kakaiba sa paligid at saka medyo kilala na rin naman siguro kami ng nag-aalaga sa cottage.... click! (tunog ng switch ng ilaw).


Chapter 4

Homeward Bound

May 13 Sunday

Ang sarap gumising... sa almusal uling pa rin ang pinag-uusapan ng bawat isa, walang humpay na tawanan. Pagkatapos makapag almusal at ligo pinag usapan na rin ang lakad ngayon pero malamang kelangan na rin ng mabilis na kilos dahil napagkasunduan na rin na bumaba ng tanghali para daw makapahinga pa at kinabukasan ay eleksyon pa, lalo na si Rica na abala din sa kanila sa Brgy. Tralala, SK Chairman e. Unang pinag-usapan naming gagawin ay sumimba sa cathedral, biniro ko pa nga na kami ang kakanta sa misa.

Nauna na ang ibang pumunta sa cathedral kasama ako. Buti di pa nagsisimula ang misa at madami pang available na upuan. Sarap nga sana kumanta, papak lang ang kantahan sa misa, walang choir. Di ko rin nabuo ang mass, hinanap ko pa iba, yun pala napahiwalay ng upuan, nagkatagpo lang pagkatapos ng misa. Piktyuran na naman kataku-takot sa harap ng simbahan kala mo mga turistang koreano hehehe.



Pagkatapos sa cathedral dumiretso na kami sa palengke para mamili ng mga pasalubong at mga bilin. Lakad ng medyo malayo papuntang palengke at pagdating sa palengke inilabas na ang mga itinatagong mga kodigo ng mga bibilhin at naghiwa-hiwalay kala mo mga sanay sa palengke :) ang tagal namn bago nagkita-kita pati ang balak na pagpunta sana sa Burnham Park (Burnharm Park ni Maica) ay malamang di na matuloy dahil sa palengke pa lang ubos na ang oras namin. Nung makita ko ang grupo parang naubos yata ang paninda ng Baguio, malamang makakapahinga ng matagal ang mga tindera ng gulay at pasalubong sa palengke sa ginawang pamimili ng grupo. Si Alma at Matet nga pagdating sobra pa sa isang sako ang dala, Si Alma mukhang magtitinda ng panindang gulay sa palengke sa Talisay.hehehe Si Matet naman dahil sa dami ng biniling paninda este pasalubong nahirapan sa pagdadala kaya sya ang kahuli-hulihang natapos at naiwan sa palengke at di pa yun, may nakalimutan pa bilhin kaya bumalik pa sa palengke. :) Ako naman pagkatapos makapamili ng mga pasalubong sa palengke, humiwalay sa grupo para mag isip ng ibibigay ko kay Winnie (Mother's Day) nung araw na yun (May 13) at sa SM ako napapunta para makabili dun ng regalo. Pagkatapos ko makabili diretso na rin ako sa cottage, aba! at tapos na kumain ang lahat maliban sa akin, at si Matet? wala pa rin... Kumain na muna ako (courtesy of friend of Alma).

Uwian na!

Mabilis mag-impake ang lahat, sandali lang ay halos ready na ang lahat para umuwi sa Talisay, ako pa ang nahuli sa pag-iimpake at kahuli-hulihang umalis ng cottage. Ang mga natira naming mga nabili para sa pagkain ay iniwan na lang namin sa mga mababait na guard ng Supreme Court. Pagdating ko sa gate sina ate Emma na lang ang natira, at dahil sa dami ng mga dalang pasalubong nag taxi pa sila e kung tutuusin napakalapit lang ng terminal ng Victory Liner at pwede itong puntahan kahit pikit ka pa hehehe.

Epilogue - Nineteen Minutes Later


Autumn seemed to arrive suddenly that year. The morning of the
first of September was crisp and golden as an apple, and as the
little family bobbed across the rumbling road towards the great
sooty station, the fumes of car exhausts and the breath of pedestrians sparkled
like cobwebs in the cold air. Two large caged rattled on top of the laden trolleys
the parents were pushing; the owls inside them hooted indignantly, and the
redheaded girl trailed tearfully behind her brothers, clutching her father’s arm.


..... Ano ga iyun? namali yata ako ng nai-kwento?

(Pahiram ng sinabi mo hehehe Ate Joanne "Jo" Murray née Rowling aka J. K. Rowling )
Sandali lang nasa loob na ko ng bus ng Victory Liner at naghihintay na lang ng alis nito. Humiwalay ako ng sakay ng bus sa grupo dahil sila ay sa Maynila bababa at ako naman hanggang Pampanga lang (alangan namang sa Maynila pa ako bumaba tapos sasakay ulit ng bus pabalik sa Pampanga? Aba! Ano ako mayaman at di napapagod? hehehe Ka-text ko sina ate Emma at sabi nasa bus na din daw sila at nasa daan na, ok sana kung magkikita pa kami sa stop over ng mga bus sa may Rosario sa baba na ng Baguio pero di rin kami nagpang-abot.

Napakaganda at masaya ang naging experience namin sa Baguio kahit sandali lang, sabi nga ng choir sana nagtagal pa kami ng konti at sobrang bitin ang stay namin dun. Nakakabitin nga talaga pero sa konting panahon na tumigil kami sa Baguio naging mas close ang bawat isa, nakilala ko pa lalo ang grupo. Sayang hindi namin nakasama ang ibang member ng Coro Guimo, siguro mas lalong masaya at mas madami ang biktima ng Spirit of the Plate hehehe Nasabi na lang namin, sa susunod na pumunta kami sa Baguio City siguruduhin namin na lahat ay sasama.

Ako naman isa lang ang natutunan ko at nalaman ko at ito rin ang sinabi ko sa grupo nuong kami ay nasa Baguio at ito rin ang huling sinabi ko sa Coro Guimo bago ako umalis papunta dito sa Canada..

"Ngayon ko lang masasabi na malaki pala talaga ang tiwala n'yo sa kin.. Na kahit alam n'yo na di n'yo sigurado ang mangyayari sa mga gagawin, gagawin n'yo pa rin ito dahil pinagkakatiwalaan ninyo ako..." Sana ganun din ang isipin ninyo sa bawat isa, magtiwala kayo sa mga kasama ninyo. Sa pagbibigay ninyo ng tiwala sa bawat isa magiging madali na magawa ang isang bagay kahit gaano man ito kahirap, katulad ng ginagawa natin sa pag-awit sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga ka member natin. hindi natin namamalayan madali nating makakanta ang mga awitin ng di natin namamalayan kahit gaano man ito kahirap....

GOD BLESS YOU GUYS!!! KEEP ON SINGIN'... HAWAK LAMANG, WALANG BIBITAW!

THE END


Added Attraction :



























Tuesday, May 15, 2007

A Cool Trip

Here's my first installment of my book, The Misadventure of Jeff Potteter

First Book - Jeff Potteter and the Spirit of the Plates

Chapter I
Trip to Baguio

May 10, 2007


Supreme Court|3:45PM- "Hello?" Hello Jeff, meron gagamit ng cottage ni justice sa weekend, pasensya na ha...." ako naman.."Sige po ok lang...." click!...

HUWAATTTT!!!!! wala kami matutuluyan na cottage?! Patay ako sa choir! Patay kami! HUWAAAAAA!!! Dali-dali akong nagpunta kay Dong (kasama ko sa SC Choir) at baka matutulungan nya ko maghanap ng cottage na pwedeng mahiraman sa SC Compound. Lahat ng tawagan namin puro may nakareserve daw na mga hihiram sa mga cottage. Kasalukuyan naman na nasa Victory Liner na si Claudel para magpa reserve na ng ticket namin sa bus kaya tinawagan ko agad para sabhin na i-hold muna nya ang pagbili ng tiket at baka pagpunta namin sa Baguio e sa Burnham Park kami matulog hehehe. Buti na lang naisip ni Dong na tawagan ang isang justice na bagong retired lang (si Justice Callejo) at buti na lang at mabait kausap kaya yun sa madaling salita nahiram namin ang cottage nya sa baguio sa SC Compound. (hay salamat po Dyos Lord!, Hindi nyo kami pinabayaan) Kaya text ko na rin agad si Claudel na ok na at pwede na sya bili ng tiket, sabi sa kin di pa daw ako nagt-txt sa kanya nakabili na daw sya, AYSUS! kung nagkataon talaga sa Burnham Park kami matutulog!

May 11, 2007 Friday Afternoon
2PM
Miyawww, Miyawww!! (message tone ng cellphone ko) :)

AT
E EMMA: 2toy d2 pa kmi tlsay, ang lakas ng ulan.
JEFF: k lng, ingat kyo te ems...

4PM
JEFF: te ems san na kyo?
ATE EMMA: lapit na kmi, nsa alabang na kmi! (ang lapit nga?!) hehehe

OH MY GOD! Sana makarating sila bago mag5pm at maiiwan kami ng bus :) hehehe

4:15PM pa lang kami nakaalis ni Dong ng SC at medyo natagalan yta sa pagt-toothbrush si Dong hehehe. Niyaya ko na si Dong tutal naman ay sya tumulong sa akin na makahanap
ng cottage na matutuluyan at para may makasama naman ako dun kse walang nagsisama sa choir na lalake at may mga trabaho, di maiwan ang pamilya, mag e enrol at walang pera.. ay sus di nila alam tumama ako sa lotto ng grand prize at sasagutin ko na lahat ng gastos nila hehehe kung gusto pa nila eroplano ang sasakyan namin pauwi kaso.... nagising nga lang ako :)

10 minutes bago mag 5PM

dumating kami ni Dong sa terminal ng Victory Liner at himala umabot ang choir sa takdang oras hehehe.. sakay agad kami sa bus yun nga lang lokong mga yun ako ang walang katabi, nagpartner-partner na pala bago kami dumating. Ayun si Dong ang nakatabi ay yung kasama namin na seminarista na si Jerwin at ako di ko kilala yung katabi kong lalake..
Dahil sa pagmamadali namin makaabot sa bus na sasakyan namin, pawisan kami ni Dong bago dumating sa terminal at pasok agad sa bus kaya ayun sinipon ako..

byaheng matagal....... bayahe ulit............................................................................... ang tagal?!

IVY: kuya Jeff san na po tayo?
AKO: Ewan?! hehehe (Lakas ng ulan sa labas e) Nasa Pampanga pa lang tayo yata...

Byahe ulit............

12:14AM Baguio City

(Background voice ng kundoktor) "Paki-check po ng mga gamit nyo, Dito na po tayo sa Baguio.."

YESSS!!! Dito na kami, (excited na kinuha ang bonnet ko at isinuot na agad siempre lamig sa labas e hehehe)


Yung mga bagong salta sa Baguio halik daw sa lupa.. Malapit lang ang SC Compd sa terminal ng Victory liner kaya konting lakad lang ginawa namin. Pagdating namin sa cottage pili na agad kami kwarto na pwede tulugan, nakuha ng mga batang choir ay yung kwarto ng justice dahil malaki yun, tabi-tabi na lang daw sila at natatakot maghiwa-hiwalay dahil siguro sa sinabi ko na wag nilang papansinin kung may maramdaman silang kakaiba sa loob ng cottage hehehe pero sa totoo lang meron talaga :) pasalamat nga ang choir at dun kami sa cottage ni Justice Callejo at hindi dun sa isang cottage na ang tawag namin ay Amittyville House sa labas pa lang ay nakakatakot na at ayon sa bali-balita sa SC meron daw talagang nagpaparamdam dun at minsan may nagpapakita na kung anu-ano... sayang sana dun na lang kami para mas memorable ang short stay namin sa baguio..hehehe Sa kabilang room naman ay ayon sa mga batang choir ay room ng mga Senior Citizen hehehe (di ako nagsabi nun ha) at kaming tatlong lalake ay sa kabilang room.. madami pang room sa may basement pero walang naglakas ng loob na matulog dun kse daw nakakatakot.

Unang tulog nami
n di naiwasan ang magtakutan kaya hanggang sa pagtulog nadala pa din ang takot kaya siguro di agad nakatulog ang mga choir sa kabilang room... pero nung mga bandang 2AM at malaon na kong tulog, nakarinig daw ang iba ng naglalakad sa loob ng cottage at binubuksan ang doorknob ng pinto ng kwarto nila. Akala pa daw nila ay ako ang nananakot sa kanila pero di talaga ako yun... nginniigg!!!


Chapter 2

May 12 Strolling Time

TXT TO ATE EMS.. SALI.. CLAUDEL: gcing na kayo? 5:32AM na! :)


toninoninong! toninoninong! toninoninong! (tunog ng alarm ng celfone ko)

Pupungas-pungas pa at puyat sa kaunting naitulog ko dahil sa madaling araw na ng dumating kami ng Baguio at di agad nakatulog pero pinilit ko pa rin gumising para samahan sina Ate Emma, Sali at Claudel para mamalengke para sa almusal at iluluto sa hapunan (kakain kami sa labas sa tangahali). Ang lamig sa labas ng cottage... kelan kaya magiging ganito ang klima sa ibang parte ng Pilipinas lalo na sa Manila? :) Pagdating namin sa palengke madami na rin ang namimili pero nakapamili pa rin kami ng mga kelangan namin.

Almusal ... Hawot, hotdog (courtesy of Alma), scrambled egg w/ kamatis, sibuyas at bawang..(ako nagluto ha), fried rice, kape at MILO (Masarap Inumin Lasang Ovaltine).
Kwentuhan sa mga nangyari sa nagdaang gabi. Mga naramdamang kaluskos at pagbubukas ng ilaw at doorknob. Ako pa ang pinagbintangan ng choir na nagbubukas daw ng doorknob at ilaw ng mga bandang alas dos ng madaling araw.... HELLO! malaon na akong tulog nun at masama ang pakiramdam ko. Pero talagang meron nagpaparam
dam dun dahil siguro sa wala ngang nakatira at pag summer session lang ng SC nagkakaron ng tao kaya pinamamahayan ng kung anu-anong elemento.

Saan kaya makapunta? ...

Pagkatapos mag almusal at makapaligo, buti na lang at may natira pa sa king mainit na tubig. Napag usapan na kung saan magandang pumunta, kausap namin ni Dong ang isang SC Guard at tinulungan kami kuha ng maarkilang sasakyan para di na kami mahirapan sa paglipat-lipat ng lugar, yun nga lang P300 per hour ang bayad, medyo mahal pero ok na rin kesa maging hussle ang paggagala. Una kaming nagpunta sa Mansion sa may Right Park, piktyuran kataku-takot! Dito din dumayo ng pamimili ng sunglass sina Alma, Claudel etc. Si Alma kse naputol ang mamahalin nyang salamin kaya pinalitan ng signature na sungl
ass hehehe Alma ano nga ulit ng tatak ng eyeglass mong bago? Dumiretso kami ng Mines View Park, siempre sinalubong kami ng traffic kaya pinagpawisan ang Ate Emma dahil natakbo ang metro ng inarkila naming dyip na per oras ang bayad hehehe. Piktyurang kabi-kabila, sus ang mga kuha panlagay sa Friendster! Sa Wright Park pa lang masama na talaga ang pakiramdam ko kaya di na ko magkapag gagalaw ng maayos kaya pulos ako na lang ang nagkukuha ng piktyur at video. Pagkatapos namin sa Mines View Park pumunta naman kami sa Good Sheperds Convent para bumili ng ube at piktyuran na naman. Bumalik na kami sa cottage mga lagpas na ng 1pm. Buti na lang umuwi kami at pagkakataon ko ng magpahinga at matulog. Natupad nga balak ko at di na ko sumama sa lunch ng choir sa SM pati si Dong nagpaiwan na rin at gusto daw nya matulog din. Ayun nung maiwan kami kung anu-ano ang narinig at naramdaman namin.. may naglalakad, mag nagbubukas ng ilaw at si Dong pangit pa naging karanasan nung oras na yun, tinatawag daw nya ako pero di ko daw naririnig, ang sabi nya gusto daw nya bumangon pero may pumipigil sa balikat nya na tumayo. Hala!! si kuya Dong binangungot!

Paggising ko ok na ulit ako, salamat sa gamot na bigay sa kin Dong at ni Alma, pwede na ulit gumala. Pagdating choir nagkayayaan na pumunta sa grotto kahit medyo umaambon na. Dumating kami sa grotto na maulan at malamig ang panahon. Pero kahit na naulan sige pa rin kami, sayang ang oras at pag tumigil kami sa cottage ay wala kami mararating. Bilib talaga ako kay Yeye, talagang kinaya na makarating sa taas ng grotto pero alam ko na makakaya nya dahil malakas ang loob nya at determinado syang marating ang grotto, ganyan talaga sya matapang at pursigido. Sana Yeye lagi kang ganyan... Pagkatapos sa grotto, nakapamili pa ng mga pasalubong. Balik din kami sa cottage pagkagaling sa grotto, tapos luto na ng hapunan namin. Ang sarap ng hapunan namin, parang ang sarap yata ng luto ni jeck na chopsuey. sa dinner namin na plano na magandang magkaron kami ng SPIRIT OF THE PLATE.

To be continued.. (parang c keen)


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma