Wednesday, May 31, 2006

1978—kindergarten Commencement Exercises ...
Best in Music ---- Jefferson M. Luna


Ito ang kauna-unahan kong award na natanggap nung nag-aaral pa ko.. Tanda ko pa nun, ang school namin ay sa isang silong ng bahay na katapat ng bahay ng barkada ko sa aming bayan ng Talisay sa Batangas (whew!). Pang-umaga ang pasok ko kaya ang baon ko lagi ay pandesal na pinalamanan ng pag hindi hotdog ay walang palaman hehehe! Partner ng pandesal ko ay MILO (Masarap Inumin Lasang Ovaltine) yata yun, sarap isawsaw ng pandesal sa ovaltine este Milo. Pinakamaganda ang upuan ko nun kse yari sa bakal at folding pa, kinakatakot ko lang baka mapadikit sa live wire na kuryente malamang yumaong Jeffoy na ko...

Pinagtataka ko lang bakit ako naging Best in Music nun? E pakantahin lang ako sa harap ng mga kaklase ko hihimatayin na ko sa hiya at takot, pag kumakanta nga ang buong klase di ako sumasabay dahil siguro may pagka sutil ako nun hehehe at di ko trip kumanta tapos bibigyan ako ng Best in Music? Unfair yata yun sa mga kaklase kong putol na ang litid sa leeg sa kakanta ng mga walang kamatayang nursery rhymes na hanggang ngayon di ko maintindihan ang ibig sabihin ng iba, at sa tingin ko ay wala namang pinupuntahan ang mga sinasabi na kelangan lang talaga na mag-rhyme sya, at sinasabayan pa ang mga kantang to ng action na walang pinag-iba sa ginagawa ng mga nasa prayer meetings.

Isang naiisip ko kung bakit ibinigay to sa kin to ay sa dahilan na ako na lang ang walang award sa mga kaklase ko, kawawa nga naman na ako lang mag isang nakatunganga sa upuan sa gabi ng graduation namin, buti na nga lang at kasama ako sa mga ginawang presentation nun na siempre pilitan ang pagkakasali ko nun na kung di ako tinakot ng teacher ko malamang kung baga sa YM idle ako. :)

Pero ang naging conclusion ko at naiisip ko na tama nga yata kung bakit sa kin napunta ang award na Best in Music kse ang tatay ko ay magaling kumanta, Music Teacher sya sa elementary school dun sa min sa Talisay. Siguro sa hiya at takot at bilib nila sa tatay ko kaya naisip nila na siguro ganun din ako, na isa palang pagkakamali. :) Sya rin ay aktibong nagtuturo sa choir sa aming simbahan na kalaunan ay isinalin sa akin ang karapatan na magturo sa choir at ito naman po ang iku-kwento ko sa mga susunod kong blog kung.... sisipagin pa ulit akong maggawa ng blog hehehe!


Next Blog..... Bakit ako naging Boy Scout of the Year!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


Visitor Map
Create your own visitor map!

Mesothelioma Attorney, Mesothelioma, Mesothelioma Lawyers, Mesothelioma Cancer, Lung cancer, Asbestos.
Mesothelioma